-- Advertisements --

Hinikayat ni Integrated Bar of the Philippines (IBP) national president Antonio Pido ang kapwa abogado na dapat ay huwag silang matakot na magsalita ukol sa mga legal na usapin.

Kinabibilangan nito ang ilang usapin sa komunidad at ang isyu patungkol sa usapin sa West Philippine Sea.

HIndi dapat mahiya ang IBP at mararapat na magkaisa sa nasabing mga usapin.

Bago naitalaga sa puwesto ay naging IBP executive vice president siya at pangulo ng IBP Samar Chapter ganun din ang governor ng IBP Eastern Visayas region.