DAVAO CITY – Kinoronahan na ang nanalo sa Hiyas ng Kadayawan 2022 na si Beauty Rose Gandarosa na siyang representante ng tribong Bangsa-Maranao.
Siya rin ay pinarangalan bilang Hiyas sa Kadayawan’s Pau Pau Choice Award, Hiyas ng Green Windows at Best in Cultural Presentation.
Pinarangalan din sila Alneza Bangasin na siyang representante sa tribong Kagan bilang Hiyas sa Diskartech at si Krezyl Joy Ungab bilang Hiyas sa Kalambuan na representante ng tribong Bagobo-Klata.
Ang mga itinanghal na mga nanalo ang siyang mangunguna sa pagpreserba sa promosyon ng 11 na mga ethnolinguistic na mga tribo na matatagpuan sa lungsod ng Dabaw.
Kinilala rin ang mga Hiyas sa Kaliwatan na sila Emelyn Armodia (Ata), Leizly May Mendoza (Bagobo-Tagabawa), Dianaruth Campong (Matigsalug), Lady Ray Banga-an (Obo-Manuvu), Erika Kandog (Iranun), Jiara Mae Sakal (Maguindanaon), Sitti Rohilmina Emani (Sama) at si Maisara Mendoza (Taosug).