Darating ang bagong Washington envoy to the Philippines sa katapusan ng buwan ayon sa isang senior diplomat ng US habang umaasa ang Amerika na palalakasin ang kooperasyong pang-ekonomiya, seguridad at pampulitika nito sa matagal nang kaalyado at sa ilalim ng bagong administrasyong Ferdinand Marcos Jr.
Itinalaga ni Pangulong Joe Biden ang career diplomat na si MaryKay Loss Carlson bilang susunod na ambassador ng US sa Pilipinas — isang post na nabakante mula noong Oktubre 2020.
Isang beteranong diplomat, si Carlson at naging Deputy Chief of Mission sa US Embassy sa Buenos Aires, Argentina bago ang kanyang appointment sa Manila.
Naglingkod din siya bilang Deputy Chief of Mission sa New Delhi, India sa loob ng tatlong taon at bilang punong Deputy Executive Secretary ng Secretary of State sa Washington, D.C.
Pumasok si Carlson sa foreign service noong 1985 matapos makuha ang kanyang degree sa Spanish at International Studies mula sa Rhodes College sa Memphis, Tennessee at Master of Arts sa International Relations mula sa Georgetown University sa Washington, D.C.
Kasama sa kanyang iba pang diplomatikong tour of duty ay sa China, Ukraine, Hong Kong, Mozambique, Kenya, at Dominican Republic.