Back-to-back win matapos nakasungkit ng korona sa dalawang International pageant ang pambato ng Pilipinas
Unread post by STARFMCEBUNEWS » Mon Nov 28, 2022 11:14 am
Buhos pa rin ngayon ang pagbati na natatanggap ng dalawang pambato ng Pilipinas matapos matagumpay na naiuwi ang korona sa dalawang international pageant competition.
Kinoronahan nitong weekend na Man Hot Star International 2022 si Jovy Bequillo sa Bangkok, Thailand habang nasungkit naman ni Maria Angelica Pantaliano ang titulong Miss Tourism Metropolitan International 2022 sa Sarawak, Malaysia.
Si Bequillo ay isang 27 anyos mula Naga City habang mula naman sa Mandaue City si Pantaleano.
Maliban sa titulo, nag-uwi ang Pinoy stunner ng 500,000 Thai Baht cash prize at nanalo rin itong Best in Social Media Award na may cash prize 10,000 Thai Baht.
Samantala, maliban sa korona pinangalanan namang Miss Photogenic ang Cebuana.
Ang pangunahing korona ay napunta sa kandidato ng Thailand, kung saan ang mga delegado mula sa Venezuela, Singapore, USA, New Zealand, at Malaysia ay nakakuha ng iba pang mga titulong nakataya.
Sa question and answer portion ng dalaga, ipinunto nito na dapat maging responsableng tourism traveler ang bawat isa upang matulungan ang ating makasaysayang pamana at ang ekonomiya.