Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang dapat ikabahala ang mga Pinoy sa giant Chinese company na Huawei na bahagi na ng telecom industry ng Pilipinas.
Ito’y matapos nagbabala ang Estados Unidos na kulang sa transparency ang Huawei at malaking banta ito lalo na sa seguridad ng bansa.
Sinabi kasi ni US Secretary of State Mike Pompeo na best partners pa rin ang mga American companies lalo na sa infrastructure development and digital economy.
Inihayag naman ni Lorenzana na sa ngayon ay wala silang nakikitang anumang banta sa pagpasok ng Huawei sa bansa.
Ang mga kilalang telecom companies aniya sa Pilipinas ay gumagamit na ng mobile phones na Huawei ang brand.
Binigyang-diin naman ni Lorenzana na sakaling tinitiktikan na ng China ang communication lines sa pamamagitan ng kanilang telecom giant ay dito na dapat maalarma ang bansa dahil nakikialam na sila sa aktibidad ng Pilipinas.