-- Advertisements --
viber image 2021 10 30 20 47 59 310

CEBU CITY – Nahuli na ng mga otoridad ang isang babaeng suspek sa pagpatay ng isang negosyante sa loob ng isang motel noong Huwebes Oktubre 28 sa bayan ng Consolacion Cebu.

Inaresto dakong alas-10:00 ng umaga ang suspek si Amelita Tero, 38-anyos sa mismong bahay nito sa Brgy. Pitogo ng nasabing bayan.

Si Tero ang suspek sa pagpatay sa biktimang si Teddy Manhilot, 46-anyos.

Iniwan pa ng suspek sa loob ng silid ang isang .45 caliber pistol na may dalawang magazine.

Napag-alaman ng mga otoridad na nasugatan si Manhilot matapos binaril ng kanyang kasamang babae sa loob ng isang motel na kalaunan ay nakilalang si Tero matapos ang pagtatalo.

Kalaunan, binawian naman ng buhay ang biktima sa isang pagamutan.

Nakilala pa ng Consolacion PNP ang suspek sa pamamagitan ng CCTV footage ng babaeng tumakas sa pinangyarihan ng krimen.

Sa ngayon, nakadetain na ang suspek at patuloy namang inaalam kung ano ang motibo sa pagpatay.