-- Advertisements --

NAGA CITY-Patay na nang natagpuan ang katawan ng isang babae sa Mauban, Quezon habang pinaniniwalaan naman na ito ay nalunod.

Kinilala ang biktima na si Dashel, residente ng Brgy. Soledad, Mauban, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nakakuha aniya ng impormasyon ang Mauban Municipal Police Station galing sa isang Barangay Kapitan na si Michael Diasanta na may nakitang katawan na lumulutang sa Maapon River sa Sitio Pansacola Brgy. Bagong Bayan, sa nabanggit na bayan.

Kaagad naman itong pinuntahan ng kapulisan ng Mauban MPS upang imbestigahan ang insidente.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan. huling nakita ang biktima ala-1 ng hapon ng Abril 24, 2024 sa ilog bago ito nawala.

Mayroon rin aniya itong sakit na epilepsy at mayroong mental health issue.

Kaagad naman na dinala ang biktima sa isang ospital ngunit dineklara ito ng doktor na wala nang buhay.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa insidente.