-- Advertisements --

Aminado si Philippine Azkals head coach Hans Michael Weiss na labis ang kanilang pressure na nararamdaman sa pagharap nila ngayong araw ng Indonesia sa FIFA World Cup 2026 at AFC Asian Cup 2027 Preliminary Joint qualifiers.

Ito ay matapos na pahiyain sila ng unang nakalaban nila na Vietnam 2-0 na ginanap mismo sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Itinuturing nila na ang nasabing panalo nila kontra sa Indonesia ay mahalaga.

Pagtitiyak niya na may matinding depensa at opensa ang ipapagana nila kontra sa Indonesia.

Wala din aniya itong binago sa mga lineups at handa na aniya sila sa isang hamon mula sa Indonesian football team.

Umaasa rin ang Azkals na mapupuno ang Rizal Memorial Stadium ng mga Pinoy fans gaya noong unang laro nila noong nakaraang linggo.