-- Advertisements --
All-set na ang Philippine Azkals para sa paghaharap nila laban sa defending champion na Thailand sa AFF Mitsubishi Electric Cup na gaganapin sa Bangkok, Thailand.
Target ng Azkals na ma-upset ang War Elephants matapos na talunin nila ang Brunei 5-1 sa laro na ginanap noong Biyernes.
Ayon kay Azkals team captain Stephan Schrock na mahalaga para sa mga nakakabatang Azkals na makabawi.
Pawang mga nasa edad 21 o 22 ang mga bagong manlalaro na ngayon ng Azkals.
Habang ang defending champion na Thailand ay sinimulan ang kampanya ng talunin ang Brunei 6-0.