-- Advertisements --
Nakalabas na sa kustodiya ng Makati City PNP ang actor na si Awra Briguela.
Ito ay matapos makapaglagak ng piyansa na nagkakahalaga ng P6,000 nitong gabi ng Sabado.
Ang release order ay inilabas ni Executive Judge Gina Bibat-Palamos ng Makati Regional Trial Court.
Magugunitang inaresto ng mga otoridad ang actor matapos masangkot ito sa kaguluhan sa isang bar sa lungsod ng Makati nitong Huwebes ng madaling araw.
Kinasuhan ito ng kapulisan ng alarm and scandal at disobience of persons in authority.