-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Gumagamit ang mga mamamayan sa Australia ng makabagong teknolohiya para mas mapabilis ang pagsugpo sa COVID-19.

Inihayag ni Bombo International Correspondent Eunice Dapuyen, isang Pinoy na residente ng Sydney, Australia na gumagamit ngayon ang naturang bansa ng tinatawag na COVID Safe App. na isang application sa cellphone.

Aniya, sa pamamagitan ng application ay mas mapabilis ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga magpopositibo sa COVID-19.

Ipinaliwanag ni Dapuyen na kapag nagpositibo sa virus ang isang tao ay kukunin ang mga data sa cellphone nito at malalaman kung sino ang mga nakasalamuha nito sa nakaraaang 21 na araw sa pamamagitan ng COVID Safe App.

Naniniwala si Dapuyen na isa ito sa mga nakatulong sa pagbagal ng pagdami ng kaso ng COVID 19 sa Australia.