-- Advertisements --

Naitabla ng Ateneo Blue Eagles sa 1-1 ang best of three championship nila ng UP fighting Maroons ng UAAP season 85 men’s basketball tournament sa score na 65-55.

Ito na ang ikalawang sunod na season na naitabla ang serye at umabot ng deciding game 3.

Umabot sa 20,616 ang mga fans na nanood sa laban ng koponan.

Umabot sa 15 points ang naging kalamangan ng Blue Eagles sa last quarter.

Nanguna sa panalo ng Blue Eagles si Ange Kouame na nagtala ng 19 points, 11 rebounds, tatlong steals, tatlong blocks at dalawang assists.

Labis naman na ikinagalak ni Ateneo coach Tab Baldwin ang ipinakitang depensa ng manlalaro nito kung saan naging matindi ang ipinakita nilang depensa laban sa UP.