-- Advertisements --
image 397

Binigyan ng hero’s welcome si Asian Games silver medalist Eumir Marcial, sa pag-uwi niya sa Lungsod ng Zamboanga, ilang linggo matapos ang Asiad 2023.

Dumating si Marcial sa Zamboanga City kahapon at agad siyang sinalubong ng mga lokal na opisyal ng Zamboanga, kasama na ang mga residente.

Matapos nito ay naging sentro si Marcial ng motorcade sa mga pangunahing lansangan ng Zamboanga.

Binigyan naman ng City Government ng P300,000 ang pinoy boxer, na bahagi ng incentive program ng naturang lungsod para sa mga atleta nito.

Maliban dito ay nagpasa rin ang Zamboanga City Council ng resolution of commendation at plaka para sa kanyang naging performance sa Asiad 2023.

Maalalang sa huling laban ni Marcial sa Asian Games 2023 ay natalo siya sa pambato ng China na si Tanglatihan Tuohetaerbieke via unanimous decision.

Nakatakda namang makipaglaban muli si Marcial sa Paris Olympics sa susunod na taon, dahil sa kanyang Top 2 finish sa ilalim ng men’s 80-kg division.