-- Advertisements --

Nangako ang mga organizer ng Asian Games sa agarang pagtugo sa mga reklamo ng mga atleta at sports officials ukol sa kanilang accommodation.

Nagdesisyon kasi ang mga organizer na sa maglaan ng isang cruise ship para sa humigit-kumulang 4,000 athletes at officials na kabahagi sa naturang tournament.

Ang naturang cruise ship ay nakadaong sa Nagoya kung saan mananatili ang mga atleta, sa halip na sa kadalasang ginagawa na Athletes Village.

Ang iba sa mga atleta at sports officials ay pinatuloy sa mga Airbnbs, hotels, at shipping-container style huts na nasa palibot ng pinakamalaking port ng Japan.

Ilan sa mga delegate ang naglabas ng hinaing ukol sa accommodation tulad ng maliliit na bed, hindi akmang servicer, atbpa.

Ayon kay accommodation manager Yuta Matsuo, gumagawa na ng akmang hakbang ang tournament organizers para matugunan ang problema at mapagbuti ang ‘environment’ para sa mga atleta, kabilang ang pagpapabuti sa living conditions habang sila ay naroon sa Japan.

Ayon pa kay Matsuo, bagaman gumawa ang Japanese Olympic Committee ng akma at appobadong accommodation program, naiiintindihan ng komite na bawat delegasyon ay may kani-kanilang partikular na pangangailangan.

Kasabay nito ay binuksan ng komite ang ‘resident center’ na may 24-hours-a-day operation upang tumanggap ng alalahanin at reklamo anumang oras mula sa mga kalahok.

Nakatakdang magsimula sa September 19 ang naturang turneyo.