-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng Australian Open si world number 2 tennis star Aryna Sabalenka.

Hindi pinaporma ng Belarusian player ang American teenager na si Coco Gauff sa score na 7-6 (7/2), 6-4.

Inamin ni Sabalenka na nahirapan ito sa unang set sa laro na nagtagal ng isang oras at 42 minuto sa Rod Laver Arena.

Dahil sa panalo ay siya ang unang manlalaro na nakapasok sa finals ng Australian Open mula ng magwagi si Serena Williams sa taong 2016 at 2017.