-- Advertisements --

Kinumpirma ng acting US Navy Secretary na ipinagpaliban muna ang planong pagbebenta ng mga armas ng Estados Unidos sa Taiwan.

Ayon kay acting secretary Hung Cao, ititigil muna nila ang nakatakdang pagbibigay ng $14 billion na halaga ng mga armas na binili ng Taiwan para masigurong mayroong sapat na munitions ang US military para sa “Epic Fury” operation sa Iran.

Paliwanag pa ng US official na magpapatuloy ang mga pagbebenta ng kagamitang militar sa Taiwan kapag itinuturing itong kinakailangan ng administrasyon ni US President Donald Trump.

Sa ngayon, hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang US State Department at Pentagon kaugnay sa naging komento ng acting secretary.