-- Advertisements --
Ibinahagi ni Arci Muñoz ang pagsasanay nito bilang maging isang piloto.
Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng mga larawan habang nagsasagawa ng training kasama ang kaniyang instructor.
Dagdag pa nito na hindi pa huli ang lahat na abutin ang nasabing pangarap.
Bukod sa pagiging artista ay naging reservist siya ng Philippine Air Force.
Isa na siyang ganap na sarhento ng Philippine Air Force Reserve (PAFR) Command ng magtapos ito noong Oktubre 2021 ang kaniyang Basic Citizen Military Training sa Clark Air Base Pampanga.