-- Advertisements --
Posibleng makaranas ng pagbuhos ng ulan sa mismong oras ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Pagasa weather specialist Benison Estareja, walang inaasahang bagyo na mabubuo ngayong weekend, ngunit maaaring magkaroon ng thunderstorm sa Metro Manila sa Lunes.
Samantala, nananatili naman sa loob ng Philippine area of responsibility ang isang low pressure area (LPA).
Huli itong namataan sa layong 250 km sa kanluran timog kanluran ng Tayabas, Quezon o 185 km sa kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro.
Maliban dito, nakakaapekto rin sa Luzon at Visayas ang mainit na hanging dala ng easterlies, kaya maraming lugar ang nakakaranas ng maalinsangang panahon.
















