Kinumpirma na ng Senado ang unang nominado ng gabinete ni Pangulong Joe Biden na si Avril Haines bilang direktor ng National Intelligence.
Si Haines ang kauna-unahang babae na siyang mangunguna sa US Intelligence agency.
Nakakuha siya ng boto na 84-10 mula sa Senado kung kaya’t nakuha nito ang pagsang-ayon ng mga mambabatas.

Patuloy naman ang ginagawa ng Senado sa pagkumpirma sa iba pang Cabinet nominees lalo pa’t nagsisimula na si US President Joe Biden sa kaniyang bagong tungkulin.
Pangangasiwaan ni Haines ang intelligence community na paulit-ulit na pinapahamak umano ni dating US President Donald Trump sa buong apat na taon sa posisyon nito.
Si Haines ay dati na ring nagsilbi bilang Deputy National Security Advisor at deputy director ng Central Intelligence Agency sa Obama administration.










