-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ng mga awtoridad kung magpapatupad ba ng case-to-case o blanket extension sa pamamahagi ng cash assistance sa mga apektado ng mga lockdowns kamakailan sa mga lugar na sakop ng NCR Plus bubble.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, may mga local government units na ang nagpadala ng kanilang formal request sa kagawaran hinggil sa posibleng pagpapalawig sa pamamahagi ng cash aid.

Sa ngayon, sinabi ni Malaya na ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa, Valenzuela, at Quezon, pati na rin ang 14 na LGUs sa Bulacan, dalawa sa Rizal, at tatlo sa Laguna, at dalawa sa Cavite ang humiling na sa kanila ng extension.

Nauna nang iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hanggang noong Abril 14, base sa impormasyon mula sa DILG lumalabas na 3.999 million beneficiaries ang nakatanggap na ng P1,000 per head na cash assistance.