-- Advertisements --
image 177

Nakabalik na ang iba pang mga online service ng Philippine Health Insurance Corporation(PhilHealth), ilang araw matapos ang pag-atake ng Medusa ransomware.

Maalalang bago nito ay may mga online services ang Philhealth na naunang naibalik sa tulong ng Department of Information and Communications Technology(DICT).

Ayon sa Philhealth, maaari nang ma-access ng mga miyembro nito ang iba pang serbisyo na dati ay hindi mahanap online.

Batay sa updated list of services ng Philhealth na nakabalik na online, kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

1. Ang eGroup, na magagamit para sa group enrollment sa PhilHealth.
2. Ang Point of Service, na ginagamit para sa social welfare assistance sa ospital.
3. Electronic PhilHealth Online Access Form o online form na kailangan ng mga employers para magkaroon ng access sa Electronic Premium Remittance System.
4. iCARES na ginagamit ng mga PhilHealth Customer Assistance, Relations, and Empowerment Staff para mabigyan ng assistance ang mga pasyenteng naka-confine na sa ospital.

Nauna nang naibalik ng Philhealth ang iba pang online services nito na kinabibilangan ng mga sumusunod:

PhilHealth Portal para sa mga Local Government Units
Health Care Professional Portal
Electronic Collection Reporting System
All Case Rate Search Systems
Health Care Institution
Electronic Premium Remittance System
Electronic PhilHealth Acknowledgement Receipt
Electronic Claims o eClaims
Member Portal, at maging ang mismo nitong Website.

Bago nito, sinabi ng DICT na una nang inilabas ng Medusa Ransomware sa dark web ang mga ninakaw nitong impormasyon, ilang araw matapos mapaso ang ibinigay nitong deadline para sa hininging ransom mula sa PHilhealth.