Matagumpay na nalambat ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na puganteng dayuhan na ginagamit ang Pilipinas bilang base para sa kanilang mga ilegal na aktibidad.
Sa magkahiwalay na operasyon ng BI Fugitive Search Unit (FSU) noong Marso 24 at 25, naaresto ang dalawang Nigerian sa Muntinlupa City at dalawang South Korean sa Angeles City, Pampanga na kapwa nahaharap sa patong-patong na kaso ng financial fraud at pandaraya.
Unang nadakip sa Barangay Putatan, Muntinlupa ang mga Nigerian national na nasa edad 46 at 34 matapos magreklamo ang isang financial institution kaugnay sa pamemeke ng remittances.
Ayon sa awtoridad, gumamit ang 34-anyos na suspek ng iba’t ibang pekeng pasaporte upang makapag-claim ng pera na ipinadala sa pamamagitan ng wire.
Nakuha mula sa mga suspek ang mga palsipikadong travel stamps at natuklasan ding sila ay mga overstaying aliens.
Samantala, nasukol din ng mga ahente ng FSU sa Pampanga ang dalawang South Korean na parehong may Interpol Red Notice.
Naaresto ang isang 45-anyos dahil sa operasyon ng isang ilegal na online gambling platform na kumita ng bilyun-bilyong Korean won, habang nadakip naman sa Clark Freeport ang isang 33-anyos na pugante.
Nahaharap ang ikalawang Koreano sa arrest warrant dahil sa isang Minesweeper betting scheme kung saan nakatangay ang kanyang grupo ng KRW 300 million mula sa mga biktimang nalinlang nila sa social media.
Kasalukuyang nakadetine ang apat na dayuhan sa BI Warden Facility habang umuusad ang kanilang deportation proceedings.
Nagbigay naman ng mariing babala si BI Commissioner Joel Anthony Viado laban sa mga dayuhang nagbabalak na gawing taguan









