Isinasailalim na lamang umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinal na pagbusisi ang Anti-Terror Bill bago ito lalagdaan para maging ganap na batas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, “inclined” o talagang pipirmahan ni Pangulong Duterte ang panukalang batas at wala itong balak i-veto.
Ayon kay Sec. Roque, maliban kay Pangulong Duterte, maging ang Office of the Executive Secretary (OES) ay nagsasagawa rin ng pag-aaral sa enrolled bill para matiyak na walang probisyong labag sa Konstitusyon.
Kasabay nito, nagpapasalamat ang Malacañang sa 784 local chief executives na kinabibilangan ng 43 governors, 68 city mayors at 673 municipal mayors na nagpaabot ng suporta sa Anti-Terror Bill sa kabila ng mga protesta at pagkontra rito ng ilang sektor.