Nagkasundo ang Dallas Mavericks at Washington Wizards para sa eight-player blockbuster trade.
Pumayag ang Dallas na i-trade ang 10-time All-Star big man na si Anthony Davis kasama ang guards na sina Jaden Hardy, D’Angelo Russell at Dante Exum patungo sa Wizards.
Kapalit nina Davis sina Khris Middleton, AJ Johnson, Malaki Branham, Marvin Bagley III, at dalawang first-round draft picks at tatlong second-rounders.
Ang blockbuster trade ay nangyari isang araw bago matapos ang trade deadline sa NBA.
Kung babalikan ang kabuuang pananatili ni Davis sa Mavericks mula noong siya ay na-trade mula sa Los Angeles Lakers, umabot lamang sa 29 games ang kaniyang nagawang paglalaro dahil sa iba’t-ibang injuries.
Gayonpaman, nananatiling mataas ang produksyon ng ng bigman, kapwa sa scoring at defense. Hawak niya ang average na 20.1 points at 11.1 rebounds per game loob ng 20 games na kaniyang inilaro ngayong season.
Makakasama niya sa Washington ang dating Atlanta Hawks star na si Trae Young na kagaya rin niyang injured.
Sa kabilang banda, hawak naman ng dating NBA champion na si Khris Middleton ang average na 16.4 points, 4.7 rebounds at 3.9 assists per game. Napanatili niya ang naturang average sa loob ng 14 season na kaniyang paglalaro sa NBA.
















