-- Advertisements --

Kaya umano ng Bureau of Immigration (BI) na makapag-generate ng bagong government earnings na kinakailangan para pandagdag sa cash aid o “ayuda” para sa mga mahihirap na pamilya kasunod ng nagtataasang presyo ng mga bilihin.

Ayon kay 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan, kaya raw ng BI na makalikom ng P10 billion hanggang P12 billion sa annual revenues.

Ito ang pagtaya ni Libanan na datin na ring nagsilbi bilang BI Commissioner noong Arroyo administration.

Bago raw ang pandemic, mayroon nang nakolekta ang BI na P9.3 billion na halaga ng revenues noong 2019.

Mas mataas ito ng 32 percent mula sa P7.03 billion na nakolekta nila noong 2018.

Muli ring binuhay ni Libanan ang panukalang Bureau of Immigration Modernization Act na naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kongreso pero bigong naipasa sa Senado.

Muli raw ihahain ni Libanan sa 19th Congress ang House Bill 1069 na layong ma-reorganize at ma-professionalize ang BI, ma-upgrade ang kanilang sistema at mapataas ang staff pay.

Pinapayagan din sa panukalang batas ang pagpapanatili ng BI ng mahigit P1.2 billion ng kanilang annual income para makapag-invest ang mga ito sa bagong information technology-enabled, revenue-enhancing automation projects gaya ng fully online-application at payment system para tuluyang matanggal ang corruption.

Ang BI ay nakakagawa ng income mula sa visa processing at extension fees, mula at mga penalties, clearance at certification taxes at immigration tax.

Ang revenue naman ng ahensiya ay diretsong mapupunta sa national treasury.

Una rito, naglabas ang Department of Budget and Management earlier ng P6.2 billion para bayaran ang inisyal na tranche ng add-on cash grants sa mga pamilya na nasa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.