Ipinahayag ni Anjo Yllana ang galit nito kay Jose Manalo, na tinawag niyang ”ahas,” dahil umano sa pag-agaw nito sa dati niyang kasintahan at ngayo’y asawa ni Jose.
‘Ngayon, asawa na niya si Mergene Maranan. Girlfriend ko ‘yan [nang] isang taon. Okay kami niyan. Wala kaming naging problema niyan, ang ano ko lang, ahas talaga ‘tong Jose Manalong ‘to,’ ani Anjo sa TikTok live noong Nobyembre 10, 2025.
Ayon kay Anjo, si Mergene Maranan, dati niyang girlfriend at dating miyembro ng EB Babes, ay hinikayat daw ni Jose na makipaghiwalay sa kanya. Na kalaunan, ikinasal si Mergene kay Jose noong Disyembre ng nakaraang taon.
Nag-ugat ang rebelasyon ni Anjo sa kanyang social matapos malamang binago ang kantang “Bakit Papa” ng SexBomb, kung saan pinalitan ang linyang may pangalang Anjo Yllana sa pangalan ni Jose Manalo.
‘Di hamak naman na may itsura ako diyan, malamang siya [Jose] nag-sabi niyan,’ sambit pa nito.
Dagdag pa ni Anjo, na mahirap daw makatrabaho si Jose at may negatibo daw itong pagu-ugali. “Pag wala si Bossing [Vice Sotto], napakayabang ng taong ‘yan… gusto ko na ngang sapakin yan eh,” aniya.
‘Napakawalang hiya niyan diyan,’ pahayag pa nito.
Hindi ito ang unang beses na pinuna ni Anjo ang mga kasamahan sa noontime show kung saan maalalang sa isang TikTok live kamakailan, inakusahan din niya si Tito Sotto ng umano’y pagpapabaya sa show at pagiging unfaithful.
Wala pang pahayag si Jose, Mergene, at si Tito Sotto ukol sa mga alegasyon ni Anjo.














