-- Advertisements --

Ibinunyag ni Angelina Jolie ang panibagong mga pang-aabuso na kaniyang naranasan sa dating asawang si Brad Pitt.

Sa mga dokumento na inihain nito sa korte kaugnay sa legal battle sa French winery ikinuwento nito ang pangyayari noong 2016.

Nasa loob sila umano ng eroplano at nagkaroon ng alitan.

Dito ay sinabunutan siya ng asawa at inuntog ang ulo at itinulak.

Maging ang isa nilang anak ay sinakal din umano at sinaktan.

Nagsagawa na rin ang FBI ng imbestigasyon ukol sa insidente.

Ang nasabing kaso ay bilang pangontra sa kasong inihain ng actor laban kay Jolie na noong Setyembre 2021 ay ibinenta nito umano ang share niya sa kanilang Chateau Miraval winery.