-- Advertisements --

Maluwag na tinanggap na ni Andrea Brillantes ang hiwalayan nila ng nobyong si Ricci Rivero.

Sinabi nito na sa una ay hirap nitong matanggap ang hiwalayan nila ng 25-anyos na nobyo.

Matapos ang ilang araw ay natanggap na rin ng 20-anyos na actress na kailangan niyang palayain ang kaniyang damdamin.

Aminado ito na mayroon ilang bagay na hirap pa rin nitong maiproseso subalit itinutuon na lamang sa ibang bagay ang atensiyon.

Magugunitang noong Hunyo 9 ng kinumpirma ni Rivero na hiwalay na sila ng nobya.

Lumabas ang usapin na hiwalayan ng dalawa ng makita ang basketbolista na kasama sa isang outreach program si Binibining Pilipinas Globe 2019 at Los Banos, Laguna Councilor Leren Mae Bautista.

Magugunitang noong Marso 2022 ng magsimula ang relasyon nina Andrea at Rivero.