-- Advertisements --

Magbabalik ang veteran na si Andre Iguodala sa basketball court matapos na pumirma muli sa Golden State Warriors.

Maalalang si Iguodala ay talagang pinag-isipan na ang pagreretiro ngunit inalok ng koponan para sa isang preseason games na gaganapin sa weekend kontra Washington Wizards.

Si Iguodala at ang Warriors team ay nakatakdang lumipad patungong Japan para sa pre-season games.

Sa sunod na buwan ay simula na ang bagong season ng NBA. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)

-- Advertisement --