-- Advertisements --
DETROIT – Kumamada ng 25 points at 20 rebounds si Andre Drummond, nagdagdag ng career highs na 22 points at pitong assists si Bruce Brown, at tinalo ng Detroit Pistons ang Brooklyn Nets, 113-109.
Nagtapos na may 24 points si Luke Kennard at tumulong para maselyuhan ng Pistons ang kanilang panalo sa pamamagitan nang kanyang basket at dalawang free throws sa huling 30 seconds ng laro.
Ito naman na rin ang ikatlong magkakasunod na laro ni Drummond na tumipa siya ng 20 points at 20 rebounds, at ika-apat naman sa loob ng pitong laro ngayong season.
Samantala, si Kyrie Irving ay nakapagtala ng kanyang unang triple-double sa Brooklyn matapos makapag-score ng 20 points, 11 rebounds at 10 assists.