Hindi umano pipilitin ni Andi Eigenman ang publiko na paniwalaan siya sa paglilinaw na humingi na siya ng paumanhin sa kapwa artista at dating kasintahan na si Albie Casiño.
Ito’y matapos ang naging pahayag ni Albie na hindi pa ito nakakatanggap ng “sorry” mula kay Eigenmann kaugnay sa akusasyon noon na siya ang ama ng ipinagbubuntis.
Ayon sa 30-year-old actress, walang nakakaalam dahil sa 27-year-old actor niya lang laan ang pag-apologize at hindi na niya kontrolado kung napatawad na siya nito.
“You and the rest of the public are not aware, because I never owed you that apology. I owed that to him. You see, it’s one thing not to have given forgiveness. That’s something I can’t control. But it’s also another thing to say otherwise,” saad ng anak ni Jaclyn Jose.
Taong 2011 nang itanggi ni Albie na siya ang biological father ng ngayo’y walong taong gulang nang si Ellie, na anak pala ng ex-boyfriend din ni Eigenmann na si Jake Ejercito.
“In good terms” naman si Andi at Jake para sa kanilang anak, kahit pa pinili na ng aktres na lumagay sa tahimik sa Siargao kasama ang surfer boyfriend na Philmar Alipayo.
Sa ngayon ay magkaka-second baby na ang mag-partner, habang ang kanilang panganay ay kaka-one year old lang.
Una rito, masaya na raw si Albie dahil nalinis na nito ang pangalan kahit pa minsang nalagay sa alanganin ang kanyang career.
“I’m just so happy to be done with it. I don’t have to worry about them. My name is not associated with them anymore,” pahayag nito.