Alitan ng mag-ama ang nauwi sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang binawian ng buhay na si Jolly Ayungaw Latumbo,25 anyos,may asawa at suspek naman ang ama nito na si Rexis Salmorin Latumbo,57 mga residente ng Barangay Kamasi Ampatuan Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Christopher Panapan nagkainitan umano ang biktima at kanyang anak dahil sa personal na problema sa kanilang pamilya o lupa na sinasaka.
Una umanong sinuntok ng anak ang ama at dahil sa sobrang galit nito nabaril ang biktima gamit ang 12 guage shotgun.
Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ng mga nagrespondeng pulis ngunit hindi na ito umabot ng buhay.
Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang suspek at sasampahan ng kaukulang kaso.