-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang isang lalaki matapos sinaksak ng sariling ama sa Barangay Lanot, Alimodian, Iloilo.

Ang biktima ay nagngangalang Archie Caguilla, habang ang suspek ay si Nestor Camitan, 55-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Master Sergeant Michael Alingala, imbestigador ng Alimodian Municipal Police Station, sinabi nito na lasing ang suspek nang umuwi sa kanilang bahay.

Kinumpronta umano nito ang kanyang anak dahil hindi ito tumutulong sa gawaing-bahay.

Ayon kay Alingala, sinuntok pa ng ama ang anak hanggang sa nagpambuno ang dalawa kung saan nasaksak ni Camitan ang anak gamit ang kitchen knife.

Tinangkang tumakas ng suspek ngunit sumuko rin kinalaunan at iginiit na self-defense lang ang kanyang ginawa.

Desidido naman ang ina ng biktima na maghain ng kaso laban sa kanyang asawa.

Iloilo post Christmas crime