-- Advertisements --
Naagapan na ng Navotas City Disaster Risk Reduction and Management Office ang naganap na ammonia leak sa 168 Tube Ice plant sa Barangay NBBS Kaunlaran, Navotas.
Naganap ang insidente pasado alas-11 ng gabi ng Martes kung saan mabilis na lumabas ang mga residente at trabahador ng planta.
Matapos ang dalawang oras ay naisara na ng Bureau of Fire Protection ng nasabing lungsod ang valve ng tubo kung saan sumingaw ang ammonia.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay isa ang nasawi sa naganap na kaparehas na insidente sa isa namang cold storage facility.