-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng konsiyerto sa bansa si American singer-songwriter Charlie Puth.

Gaganapin ang “Whatever’s Clever” tour sa MOA Arena sa Oktubre 14.

Isasagawa ang pagbebenta ng tickets sa darating na Abril 23.

Una ng naglabas ng album ang singer noong buwan ng Marso.

Nakilala ang singer sa kanta nitong “See You Again” kasama si Wiz Khalifa na ginamit ito sa pelikulang “Furious 7” noong 2015.

Ilan sa mga kantang pinasikat niya ay ang “Marvin Gaye”, “We Don’t Talk Anymore”, “One Call Away” at maraming iba pa.