-- Advertisements --
Sumang-ayon na ang aktres na si Amber Heard na bayaran si Johnny Depp ng $1M
Sinabi ni Heard na ibinaba niya ang apela laban sa $10 milyon o katumbas ng P554,290,000.00 na payout na iniutos sa kanya na gawin ng isang judge na humahawak sa kaso.
Ayon pa sa hollywood actress, ito na raw ang pagkakataon na palayain ang kanyang sarili sa mga bagay na pilit niyang tinatakasan mahigit ng anim na taon na at gusto na lang umano niya ng katahimikan.
Matatandaan na nag-countersued si Heard ng $100 milyon o katumbas ng P5,542,700,000.00, na sinasabing sinisiraan siya ng abogado ng kanyang ex husband.