-- Advertisements --
Ibinunyag ni dating Film Development Council (FDCP) Chair Liza Diño na nakikipaglaban ang kaniyang ama na si Martin sa stage 4 cancer.
Sa social media account nito ay nagpost ito na kasama ang ama na dating opisyal rin ng gobyerno.
Dagdag pa nito na ginagawa nito ang lahat para muling bumalik ang lakas at makapagsilbi muli sa publiko.
Nagpaabot naman ng pagdarasal para sa agarang paggaling ng mga malapit na kaibigan ng dating FDCP Chair.