-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakakulong na ang isang ama matapos ang maraming beses na paggahasa sa sariling anak sa Leon, Iloilo.

Ang suspek ay si alyas Larren, 43-anyos na residente ng nasabing lugar.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lieutenant Sammy Gasataya, hepe ng Leon Municipal Police Station, sinabi nito na sinimulan ng suspek ang pananamantala sa kanyang anak noong 2013 kung saan 12-anyos pa lang ito.

2014 naman nang nabuntis nito ang anak ngunit pinainom umano ng pampalaglag.

Tinakot pa raw ng ama ang anak kaya hindi rin ito nakapagsumbong sa pamilya.

Ayon kay Gasataya, nagpatuloy pa ang gawain ng suspek hanggang sa nabuntis muli ang anak at nanganak noong 2017.

Tumakas naman ang suspek sa Hinoba-an, Negros Occidental ngunit bumagsak ito sa kamay ng mga pulis.