Nanatiling maraming odd bettors ang pumapabor kay Mexican boxing star Canelo Alvarez na manalo sa ikatlong paghaharap niya kay Gennady Golovkin.
Marami kasi ang naniniwala na kahit maraming mga napapakawalang suntok si Golovkin ay hindi pa rin mapantayan ang mga punching power ni Alvarez para sa kanilang super middleweight championship na gaganapin sa Las Vegas.
Kung maalalal sa unang paghaharap ng dalawa noong Setyembre 16, 2017 ay nagresulta sa split draw habang noong rematch sa Setyembre 2018 ay tinalo ni Alvarez si Golovkin sa pamamagitan ng majority decision.
Si Alvarez ay mayroong 57 panalo, dalawang talo, dalawan draw na mayroong 39 knockouts habang si Golovkin ay mayroong 42 panalo, isang talo, isang draw at 37 KO.
Makakatanggap ng $20 milyon na premyo si Golovkin habang aabot naman sa $45 milyon ang premyong maibubulsa ni Alvarez.
Sa ginawang weigh-in naman kanina ay tumimbang si Golovkin ng 167.8 pounds habang 167.4 naman ang Mexican boxing star.