-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pinaniniwalaang nakarating na sa Iloilo Province ang Alpha, Beta at P.3 variant ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).

Sa nasabing bilang, 15 ang nahawaan ng Alpha variant, 14 sa Beta, at isa sa P.3 variant.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., sinabi nito na ang Department of Health mismo ang nagbigay sa kanya ng impormasyon.

Pero ayon sa gobernador, “fully recovered” naman na ang nasabing mga pasyente.

Ngunit nagpapatuloy pa rin aniya ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga pasyente.