Tinanggihan ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. ang alok ng China na mag-donate ng panda para sa Pilipinas.
Sa kanyang social media post, inamin ni Locsin na maayos naman ang kanyang naging pagtanggi sa alok ng hindi na pinangalanang Chinese.
“Why I politely dismissed an offer to give us one. We can’t starve another animal to death in a dead zoo. We’re just no good at this.”
Hindi na raw kasi nito maatim ang sitwasyon sa mga zoo sa bansa kung saan ilang hayop na ang namatay dahil sa gutom at mababang kalidad ng maintenance.
Pinuna ni Locsin ang lumabas na ulat kamakailan kung saan isang 19-year old panda ang namatay sa Thailand.
Nagsilbing loan ng Chengdu City, China ang yumaong lalaking panda na si Chuang Chuang, kasama ang babaeng panda na si Lin Hui sa Chiang Mai Zoo.
Ito ay bilang bahagi ng “panda diplomacy” ng Beijing sa mga bansang target palakasin ang kanilang interes.