-- Advertisements --
Kinumpirma ni PNP chief Oscar Albayalde ang pagkamatay ni General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote matapos ang nangyaring pananambang sa opisyal.
Batay sa report na ipinadala kay Albayalde, nabatid na pasado alas-5:00 ng hapon nang tambangan ang alkalde ng hindi pa nakikilalang mga salarin.
Galing umano si Bote sa National Irrigation Administration (NIA) office sa Cabanatuan City nang pagbabarilin ito sa loob ng kanyang kotse.
Naisugod pa ang biktima sa kalapit na MV Gallego Hospital subalit idineklara na itong dead on arrival.
Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga otoridad ang pangyayari.
Ang insidente ay isang araw lamang matapos ang nangyari ring pagpatay kay Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili.