-- Advertisements --
DAVAO CITY – Ipinaaresto ng Regional Trial court -11th Judicial Region Branch 3 ng Nabunturan Davao de Oro si Mayor Jose Relampagos.
Kasama sa pinaaresto ng korte siu Manuel Uy, residente ng Purok 3 Poblacion Mawab Compostella Valley.
Ito ay matapos na sampahan si Relampagos at Uy ng kasong paglabag sa Forestry Reform code of the Philippines (illegal logging) sa ilalim ng PD 705.
Pansamantalang makakalaya ang mga ito kapag makapag-piyansa P24,000 bawat isa.
Si presiding judege ni Cresenciana Dela Cruz Cruz ang naglabas ng warrant of arrest laban sa dalawa.
Hindi pa nagbigay ng pahayag patungkol sa nasabing reklamo ang mga respondents sa kaso.