-- Advertisements --
Nasungkit ng Filipina tennis star na si Alex Eala ang kampeonato sa WTA 125 Birmingham Open nang talunin niya si Nikola Bartunkova ng Czech Republic, 5-7, 6-3, 7-5, sa noong Linggo.
Sa unang set ng laban nahirapan pa si Eala laban kay Bartunkova matapos magtapos ang dikit na laban sa 7-5. Gayunpaman mabilis na nakabawi ang 20-anyos na Filipina sa ikalawang set.
Nagawa pang lumamang ni Eala ng bago nagawang padapain si Bartunkova sa mga sumunod na set na nagtulak sa Filipina star sa deciding set.
Sa gitna ng matinding pressure, matagumpay na naipagtanggol ni Eala ang kanyang service upang umabante sa 6-5 bago tuluyang nabreak si Bartunkova sa huling laro ng laban para maselyuhan ang kampeonato.










