-- Advertisements --
Abanse na sa Round of 16 ng Miami Open si Pinay tennis star Alex Eala.
Ito ay matapos na talunin niya si Magda Linette ng Poland sa score na 6-3, 7-6(2).
Sa unang set ay dominado ng 20-anyos na si Eala ang laro pero pagdating naman ng ikalawang set ay nakaranas ito ng panibagong tiebreak.
Hanggang nalusutan nito ang nasabing laban para tuluyang makausad sa susunod na round.
Tumagal ang laro sa loob ng isang oras at 48 minuto.
Magugunitang galing lamang si Eala sa pinakamatagal na laban ng kaniyang karera laban kay Laura Siegemund na umabot sa three set.
Sinabi ni Eala na ang naging susi sa kaniyang panalo ay ang pagiging matiyaga at pasensyoso.
Susunod na makakaharap nito si Karolina Muchova ng Czech para sa ikaapat na round.
















