Patuloy ang magandang kampanya ng Filipina tennis star na si Alex Eala matapos niyang talunin si Donna Vekic ng Croatia, 7-5, 6-4, sa Round of 32 ng WTA 500 Berlin Tennis Open sa Germany noong Miyerkules.
Naitala ni Eala ang kanyang ikatlong sunod na panalo laban kay Vekic. Una niya itong tinalo sa ASB Classic at Kooyong Classic exhibition tournament noong unang bahagi ng taon.
Dahil sa tagumpay, umabante si Eala sa Round of 16 kung saan makakaharap niya naman ang world No. 2 na si Elena Rybakina ng Kazakhstan.
Ayon kay Eala, alam niyang lalaban si Vekic hanggang dulo kaya kinailangan din niyang ibigay ang kanyang buong lakas.
Pinuri rin ng Filipina tennis star si Vekic at sinabing isa itong mahusay na manlalaro na palaging nagbibigay ng matinding laban tuwing sila ay nagtatapat.
Sakasalukuyan nasa ika-35 sa world rankings na si Eala, habang ika-33 naman si Vekic.
Sa susunod na torneo, muling haharapin ni Eala si Rybakina sa isang inaabangang rematch.
















