-- Advertisements --
Pinaghahandaan na ni Filipina tennis star Alex Eala ang kaniyang paglahok sa una niyang professional-level match sa Grand Slam sa 2023.
Kabilang kasi ang 17-anyos na sasabak sa qualifying round ng 2023 Australian Open sa darating na Enero 9-12.
Kasalukuyang nasa ranked 214 si Eala sa Women’s Tennis Association rankings.
Magugunitang gumaya ng kasaysayan si Eala ng maging unang Filipino player na magwagi ng junior Grand Slam single title at naging 2022 US Open Juniors champion.










