-- Advertisements --

Makakaharap ng Filipina tennis star na si Alex Eala ang beteranang Croatian na si Donna Vekic sa Round of 32 ng Berlin Open ngayong linggo.

Si Eala ay isang wildcard entry sa WTA 500 tournament at patuloy na inaasahan sa kanyang kampanya sa grass-court season.

Matatandaang nabulsa ng Pinay tennis star ang panalo sa Birmingham Open kamakailan, bago siya natalo sa second round laban sa rising American player na si Iva Jovic.

May bentahe si Eala sa kanilang unang pagkikita noong ASB Classic, kung saan tinalo niya si Vekic sa matinding three-set match, 4–6, 6–4, 6–4.

Samantala, si Vekic ay isang experienced na manlalaro sa WTA circuit na may malalaking karanasan sa mga Grand Slam. Kilala siya bilang 2024 Paris Olympics silver medalist at dating Wimbledon semifinalist, at nagkaroon din ng malalim na runs sa Australian Open at US Open.

Inaasahang magiging dikit at mataas ang kalidad ng laban dahil parehong may momentum at malakas na performance ang dalawang players sa kasalukuyang grass-court season.