-- Advertisements --
Nakatakdang magtambal muli sina Pinay tennis star Alex Eala at Venus Williams sa Canadian Open women’s doubles.
Nakatanggap ang dalawa ng wild card entry para makapaglaro sa Toronto.
Bukod pa dito ay maglalaro din ang 21-anyos na si Eala sa singles event sa WTA 1000 hard court tournament.
Makakaharap ng dalawa sina Liudmila Samsonova at Miyu Kato para sa round of 32 ngayong gabi ng Huwebes, Agosto 6.















