Inalmahan ni Albay 2nd district representative Joey Salceda ang spekulasyon na posibleng italaga siya ng Pangulo bilang susunod na kalihim ng Department of Finance (DOF).
Tugon pa ni Salceda sa naturang haka-haka na ika nga’y ‘Do not covet thy neighbor’s job” o huwag dapat pagnasaan ang trabaho ng kapwa.
Aniya, sa nagdaang mga administrasyon hanggang sa hinaharap na nagawa nitong maisulong ang fiscal policy nang ito ay mailulok sa Kongreso na kasalukuyang House Committee on ways and Means chairman.
Tinutukoy ni Salceda ang nagawang fiscal reforms noong 2003 hanggang 2006 hanggang sa mga reporma sa ekonomiya noong 2008 Global Financial Crisis hanggang sa rehimen ni dating Pangulong Duterte kung saan isinulong nito ang Comprehensive Tax Reform Program hanggang sa kaslukuyan, hindi niya ito nagawa bilang kalihim ng Finance subalit sa pakikipagtulungan nito sa Secretary of Finance. Si Salceda ay isa ding kilalang ekonomista.
Sinabi din nito na itinuturing niyang mabuting kaibigan ang kasalukuyang Finance Secretary Benjamin Diokno.
Kinikilala din ni Salceda ang kapangyarihan ng Pangulo na pagtatalaga ng miyembro ng kaniyang Gabinete na maituturing din na official family nito.
Inihayag din ni Salceda na mananatiling isang walang basehang spekulasyon ang anumang appointment bilang SOF dahil mayroong nakatalaga ngayon sa naturang posisyon.










